Pluma Poems

Sino ang may-ari ng Globo? (Who owns the world?) by Tammy Sulit

oOo

Papyrus boats

by Armineonila M.

 

my floating thought-

bottle hits camp —

splotch of grease.

 

I call upon the crescent

moon: a flock of migrating

quills, papyrus, and miswak.

 

oOo

 

Pambili ng mapayapang isip

by GAP Gutierrez

 

Ito ay para kay ate at sa anak niyang walang ama.

Ito ay para kay kuya. Sa hinuhulugan na pamasada.

Ito ay para kay bunso. Pambili ng tsitsirya.

Ito ay para kay nanay, na di nanghihingi talaga.

 

Ito ay para sa tiyahin na may karamdaman sa bagá.

Ito ay para sa tiyuhin, at sa lupang sinasaka.

Ito ay para sa bahay, sa bubong at tarangkahan.

Ito ay para sa tindahan na pinagkakautangan.

 

Ang aking pawis na sa panlasa ay maalat.

Parang tsokolate na kung makatawid ng dagat.

Pagkasahod ay mayaman lamang sa bilang.

Sa piso at sakripisyo, magkano po ang palitan?

 

_____________

Published:  The Filipino Magazine in Kuwait (TFM).  March 2014, p. 22.

 

oOo

 

Munting Mundo

By Alliah Tabaya

 

Batang Ulila, pinagkaitan ng tadhana,

Ang ina’y nawala,

Niluwal at naiwang tulala,

Bakit kaya?

 

Namulat sa mundo’y puro pighati at hirap,

Batang puro hinanakit ang kinakaharap,

Ang buhay niya’y puno ng mga pangarap,

Laging tanong kailan kaya magaganap?

 

Lola niya’y sumalo at nag-alaga nung bata pa siya,

Nang iniwan ng ina, puro hapdi ang nadarama,

Luha na pumapatak lagi sa mga mata,

Lagi na lang nawawalan ng pag-asa.

 

Batang mapagmahal sa kapwa,

Kahit walang inang nag-aruga,

Pero ang kagandahang asal ay ‘di nawawala,

Dahil ang diyos ang may gawa.

 

Kaibigan kita kahit sino ka pa,

Sa mata ng maykapal tayo ay ‘di iba,

Pare-pareho tayong nanggaling sa kanya,

Kaya lakasan ang loob at para sumaya.

 

Problema man ay dumating,

Lumaban ka, kahit sinasabing ikaw ay ulila,

Pero isipin mong ina lang ang nawala,

Baka bukas kayo ay magkikita.

 

Ihanda ang sarili, tumayo at mamuhay ng tama,

Ipakita sa madla ikaw ay di kaawa awa,

Kaya mong gawin,ang mga bagay na ‘di nakakasama,

Kahit ano, basta talento mo’y ipakita.

 

Ngayon, luha ko’y pumapatak,

Sa nagdaang taon laging sa isipan ay nakatatak,

Balang araw, ako’y maging kumpleto, maging sapat,

Sa panahon na ika’y aking makaharap.

 

 oOo

 
 

Free day

by GAP Gutierrez

 

Today gave birth to the golden morning and lazy afternoon.

The alarm-less waking and maybe a longer snooze.

Today is for unhurried shower concerto.

Today’s food are not instant, reheat nor to-go.

 

Today is far from pandemonium of a place.

Today is the cure for many zombie gaze.

Today any kind of marathon may happen.

Get in touch with family, friends and with myself again.

 

Today there is no master and no slave.

Today there is no such thing as wage.

Today I choose tea over coffee.

Even just for today I am free.

 

 oOo

 
 

Borg of the Been Street

By Armineonila M.

 

A girl once lived at Been Street

she was called by a name

a name by the window pane-

Veriveradousdabeensane-

 

A lovely lively name.

 

A brother sat by her side

by the sidewalk by the lane

filching plain prickly chain.

 

Then one day came a Borg

that lived on needle and pin

offered them a dip in the bin

spaghetti trash heavy cream.

 

“Let’s make a bubble party!”

They set a table at mid Been Street

at midday cardboard covering feet

and fiddled a pitchfork violin:

 

“Halt! All you passersby,

pass by the Been Street

pass a loaf of bread,

the Borg shall starve

should we all be dead!

Ting-tingining-ting-ting…”

 

A girl once lived by a name

a name unknown in Been Street,

she met a Borg one day

and took her to Borg District.

 

_____________

Published:  The Filipino Magazine in Kuwait (TFM).  Issue 114. June 2014, p. 23.

 
 
 

oOo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s